058 - Ang Unang Noel

Ang unang Noel ay inihimig
Ng anghel sa mga pastol sa bukid;
Do'y iningatan mga tupang ibig
Isang gabi noon na tahimik.

REFRAIN

Noel, Noel, Noel, Noel,
Sumilang Hari ng Israel.

Tumingala sila't namasdan
Ang isang tala sa silangan,
At sa lupa ay tumanglaw,
At ito'y nagpatuloy gabi't araw.

REFRAIN

Noel, Noel, Noel, Noel,
Sumilang Hari ng Israel.

Sa liwanag ng tala ring iyon,
Tatlong pantas ang dumating doon;
Isang hari ang kanilang layon,
At sundan ang tala sa'n man humantong.

REFRAIN

Noel, Noel, Noel, Noel,
Sumilang Hari ng Israel.

Tala'y napasahilagang kanluran,
Sumaibabaw ng Bethlehem na bayan,
At ang dakong kinalalagyan
Ni Jesus ay siyang tinapatan.

REFRAIN

Noel, Noel, Noel, Noel,
Sumilang Hari ng Israel.

Ang tatlong pantas ay nagsipasok,
Buong galang silang nanikluhod,
At sa harap Niya ay nangaghandog
Ng ginto, mira't insensong pansuob.

REFRAIN

Noel, Noel, Noel, Noel,
Sumilang Hari ng Israel.

0:00 0:00